Sunday, July 6, 2014

Mga eksena sa buhay ng isang OFW


OFW, salitang masarap pakinggan sa mga taong hindi alam ang tunay na kahulugan at karanasan ng ng isang bayaning nakikipagsapalaran.

Kung ikaw ay isang OFW na piniling lumayo, nagtrabaho, nakipagsapalaran at nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng maganda at maayos ng buhay ang iyong mga mahal sa buhay alam ko, masasabi ko at tinitiyak kong naranasan mo ang mga bagay bagay na ito para lamang matustusan at maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya lalo na sa mga OFW na sapat lamang ang kita o di kaya'y kumikita lamang ng 15,000 - 30,000  na buwanang sahod gaya ko. Gaya ng nasa litrato, di hamak na mas malaki ang napupunta sa pinas kumpara sa naiiwan para saatin o sa isang kumakayod na OFW dahil sa mga bagay bagay na ito:

Paalala: Ito ay base sa aking personal na karanasan, ngunit maari ding karanasan mo, nila o di kaya'y tayong lahat kabayan.

  • Isa sa siguradong napupuntahan ng 95% na naipapadala sa pinas ay ang buwanang allowance ng pamilya lalo na sa mga kababayang nating pamilyado na.
  • Allowance ng mga anak sa mga mga may asawa, at para naman kay ate, bunso,kuya, tatay o di kaya'y kay nanay sa mga gaya kong single pa.
  • Pambayad ng utang mula sa ginastos para lamang makaalis o sa ginastos mula sa pagbabalik bayan.
  • Pinanhanda o panhanda sa mga okasyon gaya ng pista, kaarawan, pasko o di kaya'y bagong taon, at marami pang iba ang pwedeng napuntahan ng naipadala mong 95% sa iyong buwanang sahod.

  • At sa 5% na naiiwan sa isang kawawang OFW, ito ay pinagkakasya para makasurvive sa isang buwang paghihintay bago nanaman sumapit ang inaasam na kaunting sahod. Ito ay para sa personal na gastusin, pambayad ng load o budget para sa load, internet, mga pangangailangan sa bahay, pagkain at swerte na kung may maiiwan pa para man lang sana makabili ng regalo para sa sarili ng isang nagsasakripisyon OFW.

Oo yan ang kwento ng buhay OFW ko. ikaw kabayan ano ang kwento ng buhay mo bilang isang bayaning OFW?



***** Sa mga kagaya kong OFW na gustong magbahagi ng ng kanilang kwento maaring ilagay sa comment o di kaya'y mag post, pwede niyo rin akong i-message at ipadala mula sa aking email address at maari din nating ibahagi sa ating mga kababayan.





No comments:

Post a Comment