Sunday, July 6, 2014

Mga eksena sa buhay ng isang OFW


OFW, salitang masarap pakinggan sa mga taong hindi alam ang tunay na kahulugan at karanasan ng ng isang bayaning nakikipagsapalaran.

Kung ikaw ay isang OFW na piniling lumayo, nagtrabaho, nakipagsapalaran at nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng maganda at maayos ng buhay ang iyong mga mahal sa buhay alam ko, masasabi ko at tinitiyak kong naranasan mo ang mga bagay bagay na ito para lamang matustusan at maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya lalo na sa mga OFW na sapat lamang ang kita o di kaya'y kumikita lamang ng 15,000 - 30,000  na buwanang sahod gaya ko. Gaya ng nasa litrato, di hamak na mas malaki ang napupunta sa pinas kumpara sa naiiwan para saatin o sa isang kumakayod na OFW dahil sa mga bagay bagay na ito:

Paalala: Ito ay base sa aking personal na karanasan, ngunit maari ding karanasan mo, nila o di kaya'y tayong lahat kabayan.

  • Isa sa siguradong napupuntahan ng 95% na naipapadala sa pinas ay ang buwanang allowance ng pamilya lalo na sa mga kababayang nating pamilyado na.
  • Allowance ng mga anak sa mga mga may asawa, at para naman kay ate, bunso,kuya, tatay o di kaya'y kay nanay sa mga gaya kong single pa.
  • Pambayad ng utang mula sa ginastos para lamang makaalis o sa ginastos mula sa pagbabalik bayan.
  • Pinanhanda o panhanda sa mga okasyon gaya ng pista, kaarawan, pasko o di kaya'y bagong taon, at marami pang iba ang pwedeng napuntahan ng naipadala mong 95% sa iyong buwanang sahod.

  • At sa 5% na naiiwan sa isang kawawang OFW, ito ay pinagkakasya para makasurvive sa isang buwang paghihintay bago nanaman sumapit ang inaasam na kaunting sahod. Ito ay para sa personal na gastusin, pambayad ng load o budget para sa load, internet, mga pangangailangan sa bahay, pagkain at swerte na kung may maiiwan pa para man lang sana makabili ng regalo para sa sarili ng isang nagsasakripisyon OFW.

Oo yan ang kwento ng buhay OFW ko. ikaw kabayan ano ang kwento ng buhay mo bilang isang bayaning OFW?



***** Sa mga kagaya kong OFW na gustong magbahagi ng ng kanilang kwento maaring ilagay sa comment o di kaya'y mag post, pwede niyo rin akong i-message at ipadala mula sa aking email address at maari din nating ibahagi sa ating mga kababayan.





Pano nga ba palaguin ang pera ng isang OFW?



Kalimitang tanong sa ating mga OFW na kumikita ng katamtamang sahod kapalit ng pagod at sakripisyo para lang maitaguyod at mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya ay ang salitang."PANO NGA BA PALAGUIN ANG PERA?"so kung ikaw ay isang OFW na gustong matuto, eto ay para sau.

Gaya ng nakikita nating litarato na nasa itaas na kung saan nakalagay ang salitang "SAVE at INVEST" , yan ang paraan kung paano natin maisasagawa ang mga bagay na magpapalago ng ating kaunting ipon bilang isang OFW. Sa pamamagitan ng pag iimpok maari tayong makapag ipon ng sapat na puhunan para sa isang negosyo na kung saan maari ding pagkakitaan ng mga mahal natin sa buhay na naiwan sa pilipinas habang tayo ay nagtratrabaho abroad, pwede rin natin itong ibili ng mga ari-arian na alam natin makakatulong sa paglago sa estado ng ating buhay gaya ng mga lupa,kalabaw o baka at syempre  maari din nating i-invest sa mga gaya ng bangko, stock market o di kaya'y mag umpisa ka sa isang maliit na lending business  na kung saan ang ating pera ay kumikita sa pamamagitan ng interest. Kung iyong iisipin hindi ba't napakaganda na ikaw ay kumikita sa iyong buwanang sahod bilang isang OFW at napapalago mo pa ang perang iyong pinaghihirapan. Ayaw mo ba na balang araw ay umuwi kana at hindi mo na kailangang bumalik o umalis ulit para lang kumita pantustos sa pamilya, kaya kabayan hindi pa huli ang lahat para maisakatuparan mo ang iyong mga ibang pangarap, pero ang hamon ko sayo. 
  • Makakaya mo ba na magtabi ng 20% - 30% porsyento sa saiyong buwanang sahod para sa iyong savings?
  • Kaya mo bang pigilan ang iyong sarili sa pagbili ng mga magagandang cellphone, computer o iba pang mga electronic device?
  • at kung sakaling makapag ipon ka, kaya mo kayang ipagsapalaran ang iyong pinaghirapang ipon sa isang lending business,stock market o iba pang mga investment na alam mong may kaakibat na pagkalugi? 
So kabayan, yan ang challenge sating mga OFW kung pano natin maisakatuparan ang paglago ng ating pera...





Email Address: Melanio.Esperanza999@gmail.com

Buhay OFW


Kabayan ikaw ba ay asawa, anak, kapatid, kaibigan o meron kabang kamag anak na OFW? puwes ito ay tama para sau na basahin at unawain ang buhay at sakripisyo ng isang bayaning Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa mga kababayan nating nasa pilipinas natural ng isipin at sabihin na kapag OFW o nasa abroad ka ay mayaman na. Hindi totoo yun. dahil ang karaniwang  OFW ay maaring kumikita lang ng mula P15K-P30K per month depende sa lokasyon, trabaho at posisyon.kaya ikaw kabayan bilang kapilya ano ang mitutulong mo para mabigyan ng importansya ang sakripisyo at pawis ng mahal mo sa buhay?



Email Address: Melanio.Esperanza999@gmail.com




Saturday, July 5, 2014

Paano nga ba mapapanatili ang matibay na relasyon?

                             


Bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) napakahirap na mapalayo o lumayo sa ating mga mahal sa buhay lalo na sa mga may pamilya o sa tulad kong walang asawa subalit mayroong kasintahan. Hindi natin maikakaila na maraming relasyon o pamilya ang nasisira dahil sa mga ibat ibat dahilan pero maari din nating itong malapagpasan at mapanatiling matibay ang ating samahan at relasyon sa ating mga mahal sa buhay kung ating susundin ang mga  sumusunod:
  • Diyos ang sentro ng relasyon - kung mapapansin nyo ito ang una sa lahat kung pano magkaroon ng matibay na relasyon dahil kung ang dalawang nagmamahalan ay may takot sa Panginoon na siyang lumikha maiiwasan ang mga bagay bagay na maaring makapag umpisa ng hindi pagkakaintindihan gaya ng mga temtasyon,dahil siya ang sentro ng inyong relasyon matatakot kang gawin ang pangagaliwa na alam natin na ito ang karamihang dahilan ng nasisirang relasyon lalo na sa gaya naming mga OFW.
  • Komunikasyon o pakikipag usap - Bilang isang OFW napakahalaga ng magkaroon ng araw araw na komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay lalo na sa mga mag asawa o may kasintahan para maiparamdam natin sakanila na kahit malayo man tayo hindi natin sila napapabayaan at nakakalimutan sa araw araw at iparamdam natin na sila ang mga inspirasyon natin, at dahil dyan mas napapatibay natin ang samahan sa kabila ng malayong distansya sa isat isa.
  • Respeto at pagmamahal - Para makamit ang inaasam at pinapangarap na matibay at matagumpay na relasyon isa sa pinakamahalaga ang respeto at hindi nauubos na pagmamahal sa isat isa, kung ito ay mayroon sa isang relasyon kahit pa milya milya ang layo ng nagmamahalan mananatiling matatag at masigla ang relasyon.